isang gabi

Tuesday, June 10, 2008

nakakalito ang mundo. kung sinong mahal mo, syang ayaw sa iyo... ayan, napapakanta na tuloy ako. e p'ano, talagang sapol sa akin yung kanta. nakakasawa na nga kasi paulit-ulit ko na kinakanta e. ang matindi, paulit-ulit na rin nangyayari sa akin yung kanta.

tagal na rin nung first post ko. sa dinami-dami kasi ng gusto kong sabihin, hindi ko alam kung saan magsisimula. pero heto, masakit yung huling "relasyon" ko. wala naman akong masabihan kaya heto, nita-tayp ko na lang.

p'anu ba naman kasi, asa kanya na lahat nung gusto ko... hindi katangkaran (5'4"), mapungay ang mata (hindi chinito, lagi lang nya pinupungay mata nya), cute ng lips, mabait... lahat na! ang masaklap, bilang na yung mga oras nya nung magkakilala kami. paalis na kasi sya ng pinas para magwork. alam ko na nga na masasaktan ako, tinuloy ko pa rin! chansa na kasi e! take chance on me nga di ba? kung 'di ba naman talaga ako tanga! ayan tuloy, nasaktan.

actually, wala naman akong expectations sa kanya. before kami nagmeet, clear na walang patutunguhan ang relasyon namin. pero sumama sya sa bahay e. ako, naging pilyo kami pareho. alam nyo na siguro yung next na nangyari. sabi nya, ako raw first nya. nung una 'di ako naniniwala kasi 3 months lang age gap namin. nung matapos ang dapat mangyari, napatunayan ko na tama sya (o magaling lang sya mag-emote?).... hehehe!!!

after magkita, wala na. nagkausap naman kami sandali after ilang days pero hindi sapat yun. hindi man lang ako nakapag-goodbye ng matino. hay!

ayoko na lang isipin na one-night stand ang nangyari. hindi naman kasi ako nakikipag-ganun... sana lang, pansinin pa nya ako pag-uwi nya. matagal din ang 2 years! hay!