buti na lang may blog ako. at least, dito ko nasasabi yung mga bagay na hindi ko maaring ikwento sa mga taong kasa-kasama ko sa pang-araw-araw na buhay.
- - -
nung una, hindi ako maka-relate 'pag nakakapanood ako ng buhay ng mga amerkano after a date. lalo na dun sa part na kelangan may tumawag after a date - yung tipong nagfe-freak out yung mga tao kapag hindi sila tinawagan kinabukasan nung mga date nila. saka na lang ako naka-relate nung nagugustuhan ko yung mga taong nakakasama ko.
- - -
akala ko tapos na ang lahat. mahigit isang buwan na syang nakaalis. 2 years pa bago sya makabalik. matapos mangyari ang di dapat nangyari, di na kami nagkausap. wala na syang reply sa mga text at di na nya sinasagot ang mga tawag ko. nung minsang maabutan ko syang online, dun na lang nya pinahiwatig na dapat mag-move on na kami.
kaninang umaga pagpasok ko, akala ko magiging normal lang ang araw ko. binaba ko gamit ko, binuksan ang laptop at bago umalis sa aking pwesto napansin kong umiilaw-ilaw ang extension ko. sa isip-isip ko, malamang hinahanap ako ng mga clients ko at talagang tinawagan pa nila ako. nagulat na lang ako ng marinig ko sa voicemail:
hello dominic. si ____ 'to. wala lang. sige ba-bye.8.30pm kagabi sya tumawag. napaaga ako ng isang oras sa pag-uwi. naabutan ko sana sya. pero buti na lang hindi. di ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
hanggang ngayon, hindi ko alam kung anu ang dapat kong maramdaman. matutuwa ba ako at nagparamdam na sya? magagalit ba ako sa ginawa nya? sa totoo lang, naguguluhan ako. lalo pa ngayon, may siniseryoso ako. ang tanong ko lang sa sarili ko, dapat pa ba akong umasa sa kanya?