moment ko to

Monday, July 7, 2008

ngayong nasimulan ko nang ikwento ang "intimate" details sa aking buhay ay na-realize ko kung gano ka-pathetic ang lovelife ko. pano ba naman kasi, walang nagtagal.

yung huling relasyon ko na sineryoso ko ang pinakamahaba. pero kung ico-compare yun sa mga kakilala kong nasa "katulad na sitwasyon" e sasandali lang ito. bakit? panu, di man lang yun umabot ng 4 na buwan. sa totoo lang, kung iisipin ang mga nangyari sa amin nung x ko na yun, magtataka ka kung bakit "pinagtyagaan" ko sya (sorry kung harsh yung term). pano ba naman kasi, 2 araw pa lang nakuha na nyang mangaliwa (saka ko na lang idedetalye dahil ibang istorya na 'to).

kahapon habang pinapanood ko ang mga unang episodes ng the practice, ipinalabas yung tungkol sa pag-out nung mom ni jimmy, sabay hiling na irepresent sya para pumayag ang korte na ikasal sya sa kapwa babae. sa korte, ipinahayag nung DA na ang same-sex relationship ay nababatay lamang sa tawag ng laman at kalimita'y hindi nagtatagal - ayun sa isang psychologist. umiling na lang ako. (syempre, simpleng tingin muna sa kaliwa't kanan baka may makahalata sa bahay!)

hindi ko alam kung maniniwala ako, basta ang alam ko lang ay hindi ganun ang ninanais ko sa karelasyon ko. pero bakit ganun, mukhang sa kaso ko ay tumatama ang ganung sitwasyon? hindi naman sa dinideny ko na malibog ako at hindi ko nasubukang mangaliwa. sana lang talaga, mahanap ko na ang katapat ko.

4 comments:

jericho said...

at least naka-4. hindi lang ONS..;)

wanderingcommuter said...

i must agree with jericho... hehehe... and i must commend you for being such... kudos!

Dabo said...

i love "the practice"... dito na-reinforce kung bakit gusto kong mag-law.. anyway bumagsak ako sa engg.. lol :)

well hindi naman siguro tama ang term na "pathethic" to describe your love life. it is an attempt to feel and experience romantic love.. what could be exciting di ba?

-- --

anyway when i say sexual tension, it could be just plain attraction.. hindi agad desire.. ano ka ba..

dominic said...

@jericho, ewik & dabo... salamat