moment ni ex ko

Tuesday, July 8, 2008

last week lang ata nung naabutan kong online si ex ko. nagdrama. 'di naman kaila sa akin na may inspirasyon sya ngayon. pero natanong nya ko, "ano ba ang dapat maramdaman 'pag nalaman mong hindi ka kasama sa mga plano sa buhay ng mahal mo?"

anu nga ba ang sagot sa tanong na yun? sa isip isip ko, kawawa naman sya at mukhang panandalian na naman ang relasyon nya (pero take note, more than 6 months na sila at tinalo pa yung sa amin dati). ewan ko ba, pero 'di ba dapat sa seryosong pagsasama may plano kayo para sa future? personally, syempre gusto ko rin na tumagal kami nung bf ko... 'di man kami magkatuluyan, at least man lang ay di masayang ang pinagsamahan namin at patuloy pa kami may communication.

dahil alam ko ang ugali ni ex, binalik ko ang tanong sa kanya. "e ikaw, anu ba ang plano mo?" hindi na bago yung sinagot nya: "sana lang mamatay ako agad para 'di na ko tatanda". nakakalungkot.

'di man ako involved sa kanilang dalawa, aaminin ko na apektado ako. dapat ko bang sabayan ang moment ng ex ko?

3 comments:

MINK said...

importante nga ang pag build ng future plans pero minsan sa pagbuo ng bukas nalilimutan yung mga nangyayuari sa kasalukuyan na mas importante, minsan sa lagi nalang bukas ang iniisip kaya yung mga pagsasabi ng ILOVEYOU pinagpapabukas, ang paggawa ng mabuti pinagpapabukas, siguro i apply natin yung live one day at a time chenes eklabu.

tsaka sabihin mo sa ex mo wag sabihing gusto na nyang mamatay kagad, kasi bad yun, Gift from God yung buhay natin, bka magtampo si God...

;)

take care

. said...

Aaminin ko, wala akong plano para sa partner ko, kahit siya ang may sandamakmak na plano para sa amin. May iba akong plano, pero ang bottom line dun, handa akong tumanda mag-isa.

Siguro meron ka pang concern sa ex mo. Normal lang yun dude. Would you believe matapos ang anim na taon simula nung mag-break kami ng ex gf ko, higit na mas nag-uusap kaming dalawa ngayon?

At out ako sa kanya.

Dabo said...

i remember yung mga "probing questions" kung saan nag-fish out ako ng info kung isasama ba ako sa mga pangarap ng past love interest ko.. hay.. sakit.. pero syempre ganun talaga, sila yun eh. you live you learn and one must learn to respect that.

--- --

reading between the lines, you still like your ex.. kasi ang isinulat mo ay "si ex ko".. most people would say "ang ex ko."

hmmm you like saying his name like a good song.