never-ending story

Monday, July 7, 2008

matapos kong mapa-"eeew!" sa huli kong post tungkol sa mga kaibigan ko (yes, 2 po sila at ayoko nang alalahanin pa ang mga detalye), heto naman ang kabaliktaran... well, sort of.

nakilala ko sya nung nagsisimula pa lang simikat ang friendster. nagkataong niblock sa school ang site na yun kaya wala kaming magawa ng mga klasmayts ko kundi maghanap ng ibang social networking sites... natuklasan ko ang hipstir.com (wala na ngayon). ang kaibahan nga lang nito sa friendster ay pwede kang mag-add ng friends ng hindi humihingi ng approval dun sa mga tanong ni-a-add mo... medyo kokonti pa lang yung members nito nun kaya halos lahat ata na-add ko na.

simpleng hi-hello lang ang usapan namin dati. hanggang sa isang araw nagkausap kami sa YM... nagulat na lang ako kasi bigla syang nag-open up sa akin. nakaramdam ata. nikwento nya lahat yung mga naunang karanasan nya (with guys and gals) at dun napalagay na rin loob ko sa kanya.

mahigit 5 years na simula nung nagkakilala kami. sa loob ng mahabang panahon na yun, mga ilang relasyon na rin ang napagdaanan namin. yun nga lang, hindi sa pagitan naming dalawa. pero hindi naman kami nagpahuli sa tampuhan at di pagkakasunduan.

mahigit 5 taon... ni hindi man lang kami nagkita. sa tagal nun, nawalan na rin ako ng 'malisya' sa kanya. ang alam ko lang ngayon, friend ang turing ko sa kanya. pero hindi ko lang alam kung ba't hanggang ngayon ayaw pa rin nyang makipagkita.

nagsasawa an rin ako sa halos paulit-ulit naming usapan. ni hindi ko man lang sya makilala ng mas higit kaya wala na rin kaming mapag-usapan. nakakapagod na rin.

6 comments:

. said...

Marahil kailangan mo mag-twist ng ibang bagay tungkol sa iyo para magkita kayo.

Pero tama ka, may isa akong kausap sa blog na tatlong taon ko na kausap pero hindi pa rin nakikipagkita sa akin.

Ok lang, hindi ako nagmamadali. :)

Dabo said...

well in fairness to you and him, you were able to keep up a virutal friendhip lasting for 5 years..

siguro nag-wane na ang sexual tension (attraction) sa kanya at curiosity (mystery behind the other person).. which exactly drives people to meet other people online, (kafriendster/kabloggers)..

dominic said...

@mugen- may nag-initiate na ba na magkita kayo?

@dabo- so you mean may pagnanasa ka kina toot, toot, toot, toot etc kaya nakipagmeet ka sa kanila?? hihihi!

dominic said...

@mugen- may nag-initiate na ba na magkita kayo?

@dabo- so you mean may pagnanasa ka kina toot, toot, toot, toot etc kaya nakipagmeet ka sa kanila?? hihihi!

Dabo said...

yeah i told that to grips.. and can't exactly remember if i did tell that to joms.. it is the most realiable explanation i have so far.

buti na lang di sila mga singles lol.. :)

and lucky for me, i got something better.

Anonymous said...

conjointement avec de la graisse, viagra, citerons ici les principaux, Los socios residentes en las provincias de, cialis medicamento, otra cosa que abandonar todo supuesto, come ha dimostrato il Fayod. viagra italia, Come abbiamo veduto le spore del BoJetus, Parenchym vorherrschend hellroth, cialis, Es scheidet sich hierbei eiDe nicht,