take a chance

Friday, February 15, 2008

minsan tinanong ako, asan na daw yung PLU blog ko. sabi ko, wala. syempre hindi naman natigil dun yung sagot ko. wala kasi akong kwento about my life as a PLU, dagdag ko. pero naisip ko, p'ano ako natawag na PLU? hmmm... given na wala akong lovelife ngayon. 'di naman ibig sabihin nun na wala naman akong naranasan noon. hindi naman ako asexual na tao. kaya sige, heto na nga, subukan ko na lang magkwento.

sabi minsan ng x ko (kung x ko nga na matuturing sya), flirt daw ako. na-hurt naman ako sa sinabi nya. ang totoo naman kasi, hindi naman talaga. oo, nakikipagkilala ako at hanggang dun lang yun. 'di naman nawawala yung mga pahaging na biro. malay ko naman kasi kung kumagat, e 'di sana chansa na yun! wala naman mawawala 'di ba? and what's wrong with taking chances?

kaya ngayon, heto susubukan ko na lang magkwento sa mga nasubukan ko. don't get me wrong, hindi ako kiss and tell... wish ko lang din may makilala ako sa pagblog ko na 'to. kayo din, take a chance on me.

9 comments:

DN said...

hello din po kuya dominic. ^^ paano niyo po natunton ang blog ko? hehe.

dominic said...

sikretong malupit dn!

. said...

Basta kwento mo lang kung anong buhay meron ikaw. Huwag mong ikahon ang sarili mo sa pagiging PLU.

Welcome to blogspace parekoy

dean said...
This comment has been removed by the author.
wanderingcommuter said...

nawa'y makamit mo ang pangarap mo'ng jackp[ot. hehehe.

can't wait for the stories!

Coldman said...

welcome!

Happy Valentines din!

Paramdam ka lang.

Anonymous said...

Err, what's PLU?

Hey, ewan ko kung meant for me yung comment na dinelete mo (I read it anyway, salamat sa comment notifications ng blogger)... pero if you were referring to the Pinoy I posted about a few months ago thank goodness mejo out of my life na yun. For a while bumibisita sya sa bahay, chinichika pa ang host mom ko at manhid na sya kung hindi nya nafee-feel na iniiwasan ko sya. I just talked to him last month at sabi nya kung ayaw ko ng Filipino friend then wala syang magagawa. I had to bite my tongue to keep from defending myself, baka mamaya me masabi pa akong ireregret ko (e.g. "Hinde!! Gusto kitang maging friend!").

I think first post mo 'to so hope you enjoy blogging!

arjay said...

what's PLU?

Dabo said...

paano mo natunton blog ko.. pero sa dami ng kilala ko sa taas.. no wonder.. cheers dude!